…tungkol sa pangangalaga ng kutis
4-Akala ng marami, basta’t natural okey nang gamitin sa kutis. Isa sa maling akala ay ang paggamit ng lemon juice para pantanggal ng blackheads. Ayon kay Doris Day, MD, board-certified dermatologist and clinical associate professor of dermatology sa New York University Langone Medical Center: Nagreresulta ng seryosong sunburn ang pagpahid ng lemon juice sa mukha lalo na kapag direktang naarawan.
5-Basta’t may SPF (Sun Protection Factor) ang isang produkto, ligtas ka na sa mapaminsalang UV ray. Ang totoo, hindi sapat ang SPF na nakahalo sa makeup, moisturizer, at body lotion. Pinapaalala ni Janet C. Lin, MD, board-certified dermatologist sa Mercy Medical Center in Baltimore, Maryland, huwag agad magtitiwala na okey na kayong maarawan dahil ang ipinahid mo sa iyong kutis ay may sun protection. Dapat ay may at least 30 SPF ang isang produkto. Pero karamihan sa mga kompanyang gumagawa ng cosmetics ay naghahalo lang ng 15 or 20 SPF.
6-Ang hilaw na eggwhite ay hindi totoong nagpapaliit ng “pores” ng kutis. May paniwala na mainam itong ipahid sa kutis na may malalaking skin pores. Ngunit naroon din ang tsansa na may nakadikit na salmonella bacteria sa itlog. Lalong malaking problema kapag naipahid ito sa iyong kutis. Lutuin mo na lang ito para sa iyong almusal, nabusog ka pa. Ang pinaka-safe na gamitin na pamaliit ng pores ay yelo. (Itutuloy)