3-Nagtatanggal ng madikit na mantsa sa collar ng damit. Sa lahat ng mantsa, sa bahaging ito ng damit mahirap tanggalin ang mantsa. Kumuha ng 3 kutsarang baking soda at 2 kutsarang sukang puti. Haluing mabuti hanggang sa magmukhang “paste”. Lagyan ng “paste” ang area na may mantsa gamit ang lumang sepilyo. Tingnan ang kasamang illustration. Hayaang nakababad ang mantsa sa mixture ng 30 minutes, saka kusutin at labhan. Mainam din itong pantanggal ng mildew spots na matatagpuan sa mga damit na matagal nang nakalagay sa aparador.
4-Nagpapaputi sa nangingitim na puting medyas. Magpakulo: 7 at one-fourth cups tubig + two-thirds cup puting suka. Alisin sa apoy. Palamigin ng 5 minuto. Ilagay ang mga puting medyas sa balde. Ibuhos ang pinakuluang suka.
Hayaang nakababad magdamag. Labhan kinabukasan.
5-Naibabalik ang kaputian ng naninilaw na puting damit. Maghalo ng 12 cups maligamgam na tubig + 1 cup puting suka.
Maghapon ibabad ang naninilaw na damit. Labhan kinabukasan. (Itutuloy)