Island of the undead (141)

NAMUTLA si Blizzard. Hindi magawa ang utos ni Reyna Miley.

“H-huwag ... ayusin mo muna ang problema mo diyan sa amoy ng kaloob-looban mo at saka kita magagawang halikan.”

“Aba, dati ay halos kainin mo ang dila ko sa uri ng halik mo! Pero ngayon ayaw mo na?”

“Kasi nga dati hindi naman ganyan, e!”

“Akala ko ba sinasamba mo ako? Ang pagsamba mo pala ay may hangganan?”

“A-ang hirap talagang humalik sa may ... may bad, bad, bad breath! Unawain mo naman!”

“Oo, nauunawaan ko ...” Ngising demonya si Reyna Miley.

“S-salamat, aking reyna ...” Nakahinga pa nang maluwag si Blizzard.

“Nauunawaan ko kaya hindi na kita pahahalikin sa akin.” Ang sweet naman ngayon ng ngiti ni Reyna Miley.

Pero alam mong peke.

Hinawakan niya ang batok ni Blizzard, hinimas-himas pa.

Okay lang ‘yon kay Blizzard, masarap naman ang paghimas ni Reyna Miley. Hindi naman ‘yon nakakapandiri. Kasi nakatingin lang siya sa napakagandang mukha na kahawig na kahawig ni Miley.

At kapag naman napapaligaw ang mga mata niya sa iba-ibang parte ng katawan ni Reyna Miley tulad ng leeg, dibdib, mga braso, ang hitang kitang-kita dahil sa hati sa gitna ng mga legs ng gown nito ... perfect score pa rin ang mga ito.

“Hindi na nga kita pahahalikin sa akin, aking Haring Blizzard ... pero ako na lang ang hahalik sa ‘yo!”

At agad dinakma ng bibig ni Reyna Miley ang bibig ni Blizzard. Agad nahuli  iyon at ibinuga nang ibinuga ni Reyna Miley ang kanyang nabubulok na patay na hininga sa binata

Parang kumakain ng ilang milyones na naaagnas na daga si Blizzard.

Tumirik ang mga mata ni Blizzard at bumagsak sa kinatatayuan.

Hindi matiyak kung buhay pa ba ito o patay na.

Nakangisi lang si Reyna Miley habang pinagmamasdan si Blizzard. “Para sa akin, namatay ka pa rin sa sarap ng halik ko, Blizzard.”

NADATNAN nina Miley na pagod na sina Lorenz sa pakikipaglaban sa mga higanteng undead na kapag nangongonti na ay bigla namang dumadami.

Ang kapangyarihan ni Reyna Coreana ay talagang walang pagkaubos.  Itutuloy

Show comments