Kung medyo pasosyal kayo sa inyong mga bisita at gumagamit ng decanter sa pag-serve ng wine. Aba, isang hulog ng langit ang ating tip ngayon.
Ang decanter o lalagyan ng wine ang isa sa mga mahirap linisin lalo kapag nagmantsa na ang alak dito. May iba’t ibang hugis at laki ang decanter kaya mahirap itong pasukan ng brush o kahit sponge para linisin ito.
Ang dapat lang gawin ay lagyan ng mainit na tubig ang decanter hanggang mangalahati ito. Patakan ng liquid dishwashing soap at lagyan ng dalawang kutsarang white vinegar. Maglagay din ng one cup ng bigas. Pagkatapos ay alug-alugin lang ang pinaghalong bigas, tubig, liquid soap, at suka ng ilang minuto para matanggal ang dumi o mantsa.
Hugasan ng mainit na tubig at patuyuin lang at presto, malinis na at maaari na uling gamitin ang inyong decanter para makipagsosyalan sa mga bisita.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!