Magsunog ng calories sa mall

Papalapit na ang Christmas season, na panahon din ng shopping time para pumunta sa mga malls, Baclaran, Divisoria, o tiangge store kung saan makakamura sa pamimili ng regalo.

Gawing pagkakataon ang pagsa-shopping para mag-burn ng calories at tiyak na hindi magi-guilty kung mawawalan ng time na pumunta ng gym o mag-exercise habang namimili.

Ayon sa research, halos 150 hanggang 200 calories ang mababawas sa bawat oras na paglalakad habang ikaw ay nasa mall. Sa bawat kilos na may aabutin, mag-stretch, at yuyuko ng item na bibilhin ay may konting calories din na natatanggal.

Mas marami pang  masusunog na calories kung aakyat o baba ng hagdan kaysa sa pagsakay sa escalator o elevator.  Lalo na kapag inabot ka pa ng tatlong oras sa paglalakad sa mall dahil halos 750 calories ang mababawas na hindi namamalayan.

 

Show comments