Dapat maintindihan ng mga magulang na ang hindi pagsunod ng anak o katigasan ng ulo nito ay likas na katangian ng bata. Ang ganitong pag-uugali ng bata ay bahagi na agad ng kanilang emosyonal at intelektuwal na pagkatao pagkasilang ng anak sa mundong ibabaw. Ang moods ng bawat anak na babae at lalaki ay hindi lang basta natutunan, kundi “built in” na ito sa kanilang personalidad.
Alam agad ito ng isang nanay at napapansin ang pagkakaiba ng mga pag-uugali ng bawat anak. Masasabi ng ina kung sino ang may strong o mahina ang personalidad dahil sa pagiging unique ng bawat indibidwal na anak.
Huwag agad madismaya o magkaroon ng negatibong reaksyon sa mood swings at violent tantrums ng anak.
Sa tamang gabay at pagpapakita ng magandang ehemplo sa anak ay matuturuan pa nang wasto ang binabansagang matigas ang ulo o “difficult child” ng pamilya.