Sinusundan ng Paruparo

Panaginip: Habang ako ay nagdya-jogging, may isang kumpol ng paruparo ang sumasabay sa aking pagtakbo. Sinubukan ko kung ako ang sinusundan nila. Lumiko ako nang pakanan, nakasunod pa rin ang mga ito. Aliw na aliw ako sa pagsunod sa akin ng mga paruparo. - Feliz

Interpretation: Kapag ang paruparo ay nagpakita sa panaginip, ang dreamer ay may iniisip tungkol sa isang bagay o tao na napakahalaga sa kanya. Hindi niya nais mawala o i-give up ang tao o bagay na gumugulo ng kanyang isipan. O, kaya, napapanaginipan ito ng mga taong namatayan at nagluluksa sa kasalukuyan.

Show comments