Ang mga Amerikano ay dumating sa Pilipinas sa pagnanais na magkaroon ng bagong lupain sa Asia. Humiling ang mga Pilipino ng tulong sa Amerikano para labanan ang mga Kastila. Akala ni Emilio Aguinaldo ay tutulong ang Amerikano para magtamo ng kalayaan ang Pilipinas. Nagtipon sa Simbahan ng Barasoain ang 18 Pilipinong matatalino at itinatag ang Kongreso ng Malolos. Pinagtibay ang Kalayaan ng Pilipinas na ang pangulo ay si Dr. Pedro A. Paterno. Pinasinayaan ang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.