Binansagang Playgirl

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa alyas na Lewlen, 19. Sumulat po ako dahil hindi ko maintindihan ang aking sarili. Madalas kong nakikita ang crush ko. Gumagawa ako ng paraan para ligawan ako ng crush ko. Pero nung sinagot ko na siya, bigla pong nawala ang feelings ko para sa kanya. Tapos agad akong nakipag-break sa kanya. Ganundin ang ginawa ko sa ibang boys. Ewan ko po, kung bakit tinatabangan agad ako kapag nanligaw na sila sa akin. Dahil dito, nagkaroon ako ng pangit na reputasyon sa aking school bilang playgirl. Hindi po ito totoo. Hindi ko naman gustong paglaruan ang mga lalaki. Bakit kaya ako ganito? Maaalis pa ba ang ganitong atittude ko sa mga lalaki?

Dear Lewlen,

Tandaan mo na ang crush ay hindi pag-ibig. Ito’y isang paghanga lang na maaaring magbago.  Sa tamang panahon ay darating din sa iyong buhay ang lalaking tunay mong mamahalin. Bata ka pa at mas mainam kung itutuon ang atensiyon sa pag-aaral at mga makabuluhang bagay na magpapalago ng iyong kaalaman.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

 

Show comments