Hindi pa handang maging tatay

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang TNT. Magdadalawang buwan na ako rito sa Leyte dahil may pinagtataguan akong babae na “nabuntis” ko. Ako raw ang tatay ng pinagbubuntis niya. Hindi ko naman itinatanggi kahit isang beses lang may  nangyari sa amin. Pero kasi hindi pa ako handang maging tatay o bumuo ng pamilya. Natukso lang naman ako sa kanya. Hindi ko rin siya ganun ka­kilala para pakasalan ko siya. Ano ang gagawin ko nag-aaral pa ako?

Dear TNT,

Kailangan mong harapin ang pinasok mong problema. Hintayin mong isilang niya ang sanggol tapos ipa-DNA test mo para tiyakin kung anak mo nga ito. Iyan ang sabihin mo sa iyong naka-one night stand.

Kung mapapatunayang anak mo ang bata, obligado kang magsustento sa kanya pero hindi ka puwedeng obligahing pakasalan siya. Sana’y maging aral sa’yo ang nangyari.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments