Palatandaan ng testicular cancer

Normal lang na hindi talaga pareho ang size ng mga testicles… parang sa mga boobs din ng mga babae, mas malaki o mas maliit ang isa.

Ang testicles ay malambot, makinis, walang umbok, firm ngunit hindi matigas.

May makakapang malambot na tube sa likuran ng mga testicle na tinatawag na  epididymis. 

Minsan ay may makakapang mga bukol o umbok sa testicles. Ang iba ay karaniwan lamang. Kung nag-aalala, ipinapayong ikonsulta ito sa doctor. 

Kung nag-aalala na may testicular cancer, narito ang mga palatandaan:

•   Matigas na bukol sa harap o gilid ng testicle

•   Pamamaga o paglaki ng testicle

•   Mas tumitigas ang testicle

•  May nararamdamang masakit sa testicle o scrotum (ang balat na bumabalot sa testicles)

Kung may napapansin na mga ganito sa testicles, ipinapayong ipatingin agad ito sa doctor.

Show comments