Nagsisising nagtanan

Dear Vanezza,

Maaga akong na in love sa edad na 17 years old, kaya ‘di ako nakatapos ng pag-aaral. Nagtanan kami ng asawa ko last year at pareho kaming itinakwil ng aming pamilya. Nangupahan kami ng isang maliit na kuwarto pero dahil walang trabaho ang mister ko, pinalalayas na rin kami dahil hindi kami nakakabayad ng upa. Nahihirapan na ako at gusto ko nang bumalik sa amin. Kaya lang baka hindi ako maintidihan ng asawa ko. Ano po ang gagawin ko? - Jane

Dear Jane,

 Kausapin mo ang iyong asawa. Ipaunawa mo na hindi kayo maaaring mabuhay ng puro pag-ibig lang. Magbalik muna kayo sa inyong mga magulang at magtapos ng pag-aaral dahil iyan ang magiging foundation ng inyong kinabukasan. Kung nagmamahalan kayo talaga, isipin ninyo ang magiging future ng inyong magiging mga anak. Kapag nagtapos na kayo at may matatag na trabaho, dun kayo magbalikan.

 Sumasaiyo,

 Vanezza

Show comments