Ito ‘yung taba sa tiyan at sa paligid ng beywang. Bukod sa sinisira nito ang ating pigura, ito ay maaaring pagmulan ng mas seryosong problema sa kalusugan: sakit sa puso, diabetes, insulin resistance, at cancer. Kaya hangga’t maaga, mainam na tunawin ito sa pamamagitan ng natural na paraan.
Uminom ng Lemon Juice.
Kailangan: isang pirasong lemon, isang basong maligamgam na tubig.
Ano ang gagawin?
1-Katasin ang isang buong lemon at ihalo sa isang basong maligamgam na tubig. Kung naaasiman ka, haluan mo ng isang kutsarang honey.
2-Inumin ang lemon juice pagkagising sa umaga na wala pang laman ang iyong tiyan. Palagpasin muna ang 30 minuto bago mag-almusal.
3-Gawin ito araw-araw hanggang sa makita mo ang epekto: Nabawasan ang iyong timbang at nawala ang bilbil at lumiit ang iyong baywang.
- Itutuloy