Kolehiyalang stoker

Dear Vanezza,

Ako po si Benie, 20 yrs old. May classmate po akong istoker ko.  In love raw siya sa akin. Pero pareho pa lang kami nag-aaral sa kolehiyo. Ayaw ko pong ma-distract dahil gusto ko munang matapos ang engineering studies ko. Pero nagpipilit siya na magkarelasyon kami. Mabait, maganda, matalino po siya. Ano po ang gagawin ko?

Dear Benie,

Tama ang desisyon mong huwag munang maki­pagrelasyon para makapag-concentrate ka sa iyong pag-aaral. Kausapin mo siyang magtapos muna kayo ng pag-aaral at saka na lang atupagin ang love life kapag handa ka na.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments