Solusyon sa maitim na balat

Problema ng mara­ming kikay ang ilang maiitim at kulubot na parte ng kanilang balat.

Kabilang na rito ang siko, tuhod, batok, at sakong. Para sa problemang matagal na ninyong gustong solusyonan, kailangan lang ng mga sumusunod: 3-5 piraso ng calamansi o lemon, 1-2 kutsara ng asukal o honey.

Paghaluin lamang ang juice at asukal at saka ikuskos sa maiitim na parte ng iyong katawan, ibabad ng 10 minuto, at hugasan.

Hindi na kailangan magpa-scrub pa ng katawan sa spa dahil sa murang halaga ay maiiwasan mo na ang libag o deadskin.

Kailangan mo lang ng isang hiwa ng pinya at ikuskos ito sa iyong likuran at sa iba pang parte ng iyong katawan.

Oh, ‘di ba! Achieve na achieve mo na ang flawess skin at hindi pa kailangang gumastos at lumabas para magpunta sa spa.

Gawin lamang ang mga ito ng dalawang beses sa isang linggo, sigurado, sa loob ng isang buwan ay makakamit mo na ang kaputiang iyong pinapa­ngarap!

Show comments