100 Greatest Cooking Tips (14)

86-Gumamit ng wine. Ang general rule: red wine sa red meat at white wine sa white meat. Habang ipiniprito sa butter ang tuna fish fillet o malasugue (blue marlin), buhusan ng kaunting white wine habang niluluto ito sa medium flame. Dagdagan ng herb, alinman sa thyme, sage, at oregano. Magsisilbing sauce ang pinagprituhan.

87-Kung gagamit ng herb, fresh ang gamitin

88-Huwag matakot gumamit ng asin. Kaya sumasarap ang pag-kain ay dahil sa tamang saltiness. Kailan naging masarap ang pagkaing matabang?

89-Gumamit ng butter. Kung gagamitin sa pagprito ng steak, haluan ng kaunting oil para hindi kaagad “masunog” o umusok ang butter. Nagdadagdag din ito ng flavour sa pagtimpla ng sauce. Sa gulay, pakuluan ito sa tubig  nang half cooked. Stir fry sa butter ang gulay. Timplahan ng asin, pepper at chopped parsley.

90-Huwag matakot mag-experiment. Itutuloy

 

Show comments