Malaking pagbabago at pag-unlad ang ginawa ng computer sa larangan ng teknolohiya at modernisasyon sa buong mundo. Taong 1970s na nagtitiyaga pa ang lahat sa manu-manong paggamit ng typewriters, kapag kailangang kopyahin ang isang dokomento. Pinapatungan pa ito ng carbon paper para sa duplicate copy.
Salamat sa magigiting na computer enthusiasts na sina Billy Gates at Paul Allen na nagkaroon ng vision sa future sa larangan ng computer. Taong 1975, nagbunga ang pagsanib puwersa nina Gates at Allen at inilunsad ang Microsoft. Nagsimula man sa maliit ang Microsoft, pero mabilis din ang pagdebelop sa mga prosesong pinagdaan na nagsilbing tulay sa mas kapaki-pakinang na serbisyo ngayon sa negosyo at personal na gamit dahil sa mas sopisticated natin ngayon.