*Sa theme palang APEC ngayong 2015 na “Building Inclusive Economies, Building a Better World” tiyak marami na tayong matutunan sa mga palitan ng mga ideas ng mga kalahok na iba’t ibang bansa. Malaking karangalan higit sa lahat na ang ‘Pinas ang host sa malaking event. – Sunshine, Sta. Rosa
*Kung gustong magpa-impressed ng goberno ni PNOY, sana ginawa nilang venue ang Subic. Walang traffic dun, wala rin silang itatagong pulubi, malinis, at disiplinado ang mga tao run. Maluwag din ang mga kalsada. Hindi na sana sila nag-declared ng holidays. – Aimi, Pasay
*Dapat feeling proud tayo dahil dito gagawin ang APEC 2015. pagkakataon na natin maipagmalaki ang ating kultura, makakakuha rin tayo ng kaalaman para mapalago ang edukasyon, at mapalawak ang job skills sa pakikipagnegosyo natin sa ibang bansa. - Loree, Parañaque
*Sana nga mapalakas ng APEC na yan ang ating potensyal ng bansa pagdating sa ekonomiya. Matuto sana ang mga leaders natin na hindi maging corrupt at inuuna ang bayan. Kesa sa sariling nilang motibo at political na agenda. – Jamie, Singapore