Alam nyo ba?

Naniniwala si Emilio Aguinaldo na ang ginawa ni Andres Bonifacio ay nakasama sa layunin ng himagsikan. Dinakip at nilitis si Bonifacio kasama ang kapatid na si Procopio na hinatulang mamatay. Binago ni Aguinaldo ang hatol. Sa halip, ikinulong ang magkapatid nang magkahiwalay at pinarusa­hang maglingkod bilang mga katulong. Pero itinuloy din ang hatol na patayin si Bonifacio dahil umano’y mapanganib siya sa himagsikan. Dinala sina Bonifacio at Procopio sa Bundok Tala sa Maragondon, Cavite at doon pinatay noong Mayo 10, 1897.

Show comments