Bakit naninilaw sa carrot?

Ang carrot ay isang ugat na gulay na hindi lang orange ang kulay dahil mayroon ding purple, red, white, yellow, at iba pang color.

Ang kilala nating carrot ngayon ay galing sa wild carrot na tinawag na Daucus carota mula sa Europe at timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ito ay nagkukulay orange dahil mayaman ito sa beta-carotene na mas malakas ang kulay red-orange pigment na matatagpuan din sa ibang halaman o prutas. Ang beta-carotene kapag kinain ay nagiging vitamin A na ang carrot ang siyang pangunahing pinagkukunan.  Ang bitamina A ay importante sa kalusugan para sa ating paningin, buto, ngipin, at balat. Nagiging kulay dilaw ang tao kapag kumain ng sobra-sobra na mapapansin na nagsisimula ang paninilaw sa palad at talampakan. Huwag mag-alala dahil kakailanganin lumantak ng napakaraming karot bago ka magkulay dilaw.

Noong World War II, may kuwento na maraming nabaril na German soldiers sa gabi. Sila ang mga sundalo na naaninag sa gabi dahil sa mataas ang dami ng pagkain nila ng carrot.

Dahil din sa natural na asukal at tamis ng karot ay madalas i-bake at gawing cake. Kahit hilaw ay puwede nang kainin, gawin ding juice. Pansahog sa ibang lutong ulam at maging halo sa sopas.

Show comments