Sa unang tingin pa lang, dapat ay halata na kaagad na iyon ang main door. Kaya’t ang Feng Shui rule, ang main door ay dapat na mas maganda, malapad, at elegante kumpara sa pintong nasa gilid at likod ng bahay.
Ang main door ay hindi dapat na yari sa salamin. Mas mainam na ito ay yari sa isang solidong kahoy na simbolo ng tibay at katatagan.
Dapat ay walang poste o puno na nakatapat sa pinto na humaharang sa good energy na papasok sa bahay.
Kung ang pinto ninyo ay may dalawang panel o tinatawag na double door, be sure na lagi itong nakabukas pareho. Kung isa lang ang bubuksan, ito ay nagsasaad ng laging bitin ang grasyang matatamo o kaya ay laging hindi natatapos ang trabaho na sinimulan.
Ang main door na nakaarko sa itaas ay masuwerte lang kung naka-locate ito sa west, north, at northwest.
Ang sliding glass doors ay mainam lamang sa mga secondary doors at hindi para sa main door.
Ang glass door ay para lamang sa opisina ngunit hindi sa mga kuwarto ng bahay.