48-Hindi sumasarap ang niluluto dahil hindi mo tinitikman ang iyong niluluto. Kailangan ang madalas na pagtikim upang magkaroon ng adjustment.
49-Kung gagawa ng mami sa bahay, mas magiging masarap ito kung pinaghalu-halong buto ng beef, pork, at chicken ang gawing soup base.
50-Hindi sapat ang galing sa pagluluto, kailangan pa rin ang matalas na kutsilyo.
51-Kailangang banlawan sa maligamgam na tubig ang fresh miki bago ito gamitin sa mami upang mabawasan ang alat at matanggal ang lasang lihiya.
52-Mas masarap iprito ang thigh ng chicken kaysa breast. Mas juicy at malinamnam ang thigh. Ang breast ay nagiging dry matapos iprito. Mainam lang ito sa recipe na may sabaw.
53-Pagsikapang makabili ng non-stick skillet. Mas maginhawa itong paglutuan. Nakaka-stress magprito sa kawaling dinidikitan ng anumang pagkaing ipiniprito.
54-Kung maraming hihiwaing gulay, ipatong sa malaking piraso ng diyaryo ang sangkalan. Para automatic na sasahurin ng diyaryo ang mga balat. (Itutuloy)