Kung importante sa mga babae ang kanilang vagina, mas lalong importante sa mga lalaki ang kanilang penis.
Kaya importante ring mapangalagaan itong mabuti dahil hindi ninyo matatawaran mga kuya ang kaligayahang ibinibigay sa inyo ng inyong penis.
Hindi ba’t nakaka-stress kapag may problema ang inyong penis.
Kung may problema ang inyong penis, siguradong apektado si Ate.
Kaya narito ang mga tips para manatili sa kondisyon ang inyong penis:
Healthy Weight – Kailangang mag-maintain ng healthy weight. Kapag mataba ka kasi, nababawasan ang testosterone levels sa katawan. Pinapalitan ng abdominal fat ang male hormone testosterone sa female hormone estrogen.
Magkakaroon din ng pag-iipon ng fatty plaque na maaaring bumara sa blood vessels kabilang ang artery papunta sa penis na magiging dahilan para mahirapang magkaroon ng good-quality erection.
Eat Smart – Importanteng kumain ng healthy at natural na pagkain.
Maganda ito sa katawan dahil maiiwasan ang build-up ng plaque deposits sa blood vessels para laging maayos ang blood flow papuntang penis penis.
Iwasan ang pagkaing mataas ang calories at piliin ang mga natural na pagkain para maiwasan ang pagbabara sa daluyan ng dugo para sa maayos na sexual function. (Source: privategym.com)- -ITUTULOY