Ang salitang Holloween na ang ibig sabihin ay “hallowed evening,” “holy evening” na tinawag ng mga taga-Scotland na All Hallows’ na ang ibig sabihin ay ang gabi bago ang All Hallows’ Day noong 1556. Kilala rin sa tawag na Allhaloween, All Hallows’ Eve, o All Saints’ Eve na ipinagdiriwang sa buong mundo. Ang Holloween festival sa Scotland kung saan nagsusuot sila ng naka-mummy o ibang custome habang kumakanta sa kanilang pagbabahay-bahay at kapalit ng kanta ay bibigyan sila pagkain. Ang iba ay talagang nagtatago sa kanilang costume para kapag hindi nagustuhan ang kanilang kanta ay hindi sila makilala o mapapahiya.