Benespisyo ng petroleum jelly

Ang matinding sinag ng araw ay posibleng makaapek sa ating balat.

Nakakaitim ito, nakadudulot ng sunburn, at ang pinakaayaw ng marami na dry skin o ang pagbibitak-bitak ng balat.

Mabuti na lang ay may nakaimbento ng Vaseline o petroleum jelly na mabibili saan mang botika o convenience store.

Puwede itong ilagay sa siko na dry, dulo ng buhok pagkatapos gupitan, labi bago matulog upang ma­panatili ang malambot na balat nito, sa pilikmata bago rin matulog para humaba at tumubo ito, pulso bago lagyan ng pabango para tumagal ng maghapon ang amoy, at pwede ring gamitin pangtanggal ng make up.

Ilan lang ito sa napakaraming benepisyo ng paggamit ng petroleum jelly, sulit ‘di ba!

Show comments