10 Teknik Para Tumigil ang Sinok

Ang sinok ay big­lang paghilab ng diaphragm and respiratory organs na nagdudulot ng kakatwang tunog mula sa lalamunan. Ang karaniwang nagiging dahilan nito ay dali-daling pagkain at pag-inom; paglunok ng hangin dahil sa chewing gum. Subukang gawin ang alinman sa mga sumusunod upang tumigil ang sinok:

1-Kumain ng asukal. Pero ilagay ang asukal sa ilalim ng dila.

2-Takpan ng daliri ang tenga sa loob ng 20 seconds.

3-Utusan ang kaanak na gulatin ka o kaya ay kilitiin.

4-Mag-gargle ng tubig.

5-Ilabas ang dila at marahang higitin ng paulit-ulit.

6-Diinan ng daliri ang philtrum. Ito nasa upper lip, ilalim ng tungki ng ilong.

7-Pigilan ang sarili na huwag huminga hangga’t kaya.

8-Ang pinakamatandang teknik: Gamit ang supot na papel: dito mag-inhale at exhale ng 15 times o higit pa.

9-Uminom ng ice water nang dahan-dahan at unti-unti.

10-Kumain ng ice cream. Nakakatulong ang big­laang pagbabago ng temperature sa esophagus.

 

 

Show comments