Panakip-butas

Dear Vanezza,

Ako po si Lorna, 4th year college. Na-in love ako nung high school kahit against ang parents ko nagkaroon ako ng bf. Three years kaming naging mag-on, pero nagkahiwalay din kami dahil biglang dumating ‘yung una niyang gf. Buntis ito at pinaaako sa kanya ang dinadala. Na-trauma ang bf ko hanggang sa ikasal sila. Napakasakit ng nangyari pero tinanggap ko. Hanggang sa may nanligaw sa akin. Sinagot ko siya pero panakip-butas ko lang siya dahil mahal ko pa rin ang dati kong bf. Alam kong mali ito. Ano po ang gagawin ko.

Dear Lorna,

Hindi ligaya ang pinasok mo kundi malaking problema. Una, dinadaya mo ang 2nd bf mo na ginawa mong panakip-butas. Kung talagang mahal ka ng dati mong nobyo, sana ay ipinaglaban ka niya kung talagang hindi naman siya ang ama ng dinadala noong gf niya. Makabu­buting tapusin mo na ang relasyon mo sa bf mo. Dahil kung patatagalin mo ang set-up ninyo, marami lang masasaktan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments