Kung iniisip mong magpalit ng trabaho dahil sa naliliitan ka sa suweldo mo, mag-isip ka munang mabuti. Minsan hindi nga malaki ang suweldo, pero marami namang benipisyo ang kompanya.
May kompanya ring generous sa pagbibigay ng bonus sa halip na malaking suweldo. Hindi pa kasali ang health insurance, bigas, groceries, o ibang give away items ng kanilang produkto.
Meron ding maliit ang take home pay kada-buwan pero may mga career-development program. Hindi malaki ang suweldo, pero sa magagandang oportunidad ng training ay makatutulong ito sa paglago ng iyong skills at personality.
May chance na rin lumaki ang suweldo mo kung gagamitin ito sa plano ng kompanya bilang representative ng opisina ninyo.
Pag-isipan mo rin sa paglilipat ng ibang trabaho, na baka naman malaki nga ang suweldo pero mas malayo at magagastusan ka pa, mai-stress sa trapik, at magkakasakit sa layo ng binabiyahe mo.