Babaeng Bigotilyo

May mga babaeng may ‘balahibong pusa’ sa nguso kaya parang may bigote. Nakaka-conscious. Ang ganda-ganda mong babae pero may bigote. Nakakapag-alala namang ahitin baka lalong kumapal. Mainam na subukan ang Lemon-Oatmeal mixture na nakakatanggal ng balahibo sa nguso at kili-kili.

Sangkap:

Honey – isang Kutsara; Lemon juice – isang kutsarita ; Oatmeal – isang Kutsara

Paraan :

1-Haluing mabuti ang mga sangkap.

2-Ipahid ang mixture sa nguso, kili-kili o parte ng katawan na nais mong tumigil ang pagtubo ng balahibo. Hayaan ito ng 15 minuto.

3-Banlawan ng tubig. Pahiran ng moisturizer ang nguso para hindi matuyo ang balat. Sa ibang parte ng katawan, ang ipahid ay lotion.

4-Gawin ang treatment na ito 3 beses sa isang linggo, sa loob ng isang buwan.

Show comments