- Okay naman ang LDR kung sa tingin mo ay established na ang relasyon n’yo. ‘Yung tipong tiwala kayo sa isa’t isa na hindi magloloko ang partner mo. ‘Yung tipong alam mo sa sarili mo na kaya mong maging faithful. - Jiggs, Malabon
- Hindi ako pabor sa long distance relationships. Minsan kasi ay niloko na ako ng girlfriend ko. Ibinigay ko ang lahat sa kanya, pinag-aral at pinatuloy sa condo ko nung last 2 years niya ng kolehiyo. Pero ano’ng ginawa n’ya? Nag-abroad din at iniwan ako. Ang sabi ay kukunin niya ako, pero wala pang isang taon nanamlay na siya. ‘Yun pala may dyowa nang iba! Hindi nakapagpigil ang hitad! Makati pa sa higad! -Lance, Cavite
- Mag-eight months na kami ng dyowa ko na magkahiwalay. At alam kong mahal na mahal niya ako. Gabi-gabi kami nagkakausap sa Skype. Parang normal lang na magkasama. Kahit nami-miss namin ang isa’t isa ay hindi pa rin nagbabago ang aming pagtitininginan. Naniniwala akong malalampasan namin ‘to hanggang magkasama kami uli. - Tristan, Ilocos Sur
- Naku! Hindi totoo ‘yang LDR, LDR na ‘yan. Kasi tayong mga lalaki hindi natin matitiis na walang babae sa tabi natin. Ewan ko lang sa inyo, pero ako hindi ko talaga kaya. Kaya hindi uubra sa akin ang long distance relationship. - Abet, Palawan
- Four years nang nasa-Hong Kong ang misis ko. Pero hindi pa rin namin nakalilimutan ang isa’t isa. Hindi kami nagkakaproblema dahil nagkakausap kami pati na ang mga bata. Komunikasyon ang susi sa matagumpay na LDR.
-Garry, CamSur