Marami dahilan kung bakit nanganganak ng kambal o multiple twins ang isang babae. Isa na rito kapag ang nanay ay nasa hyper-ovulation o mataas ang tsansang puwedeng mangitlong ng higit sa isa na nagreresulta ng anak na kambal.
Karaniwan ang magulang ng kambal ay iisa ang nanay at tatay. Pambihira man, pero may kaso rin na ang babae ay puwedeng mag-release ng dalawang itlog sa kanyang ovulation period at puwedeng mabuntis ng dalawang magkaibang lalaki. Ang tawag dito ay heteropaternal superfecundation. Ayon sa pag-aaral sa Columbia University, may kaso ring na ang fraternal twins na kambal na babae at lalaki ay puwedeng magkaiba ang tatay.
Ayon din sa research, ang mga baby twins ay may sariling lingo. Sila lang ang nakakaalam ng ibig sabihin ng mga sounds o action na nagagawa nila sa kanilang pag-uusap. Nawawala lang ang mga sarili nilang lenggwahe kapag lumawak na ang kanilang vocabulary o kaalaman sa pagsasalita at kapag nagsimula na silang pumasok sa eskuwelahan.
Sa 14 weeks pa lang ng fetus sa loob ng tiyan ng nanay, ang kambal ay nagsisimula nang mag-connect na paraan nila ng “reaching out” sa isa’t isa. Hinahawakan na nila ang isa’t isa sa pagdidikit ng kanilang ulo sa ulo o kamay sa ulo. Sa 18 weeks ng kambal sa loob ng tiyan, mas madalas na ang paghimas nila sa kakambal nila. Extra gentle rin ang paghipo nila sa mata ng kakambal dahil alam nilang delikado ito.
Sa pag-aaral din ni Dr. Gary Steinman, MD PHD oby-gyn sa Long Island Jewish sa New York, ang mga babaeng madalas kumain ng mga dairy products ay mataas ang posibilidad na magbuntis ng kambal.
Ang identical twins ay mula sa iisang itlog kaya mahirap silang makilala. Pero hindi talaga silang saktong carbon copy ng isa’t isa. Kapag mas matagal mo na silang nakikilala malalaman mo na magkaiba ang dalawa.
Sa record, halos 59,000 na kababaihan mula 1800 hanggang 1970, mas mahaba ang buhay ng nanay na may anak ng kambal kumpara sa iba ibang ina na walang anak na kambal.
Meron ding higit pa sa fraternal at identical twins; meron ding “half identical twins kapag ang itlog ay nahati at ang isa ay fertilized; kambal na lalabas na magkaiba ang itsura o kabaligtaran ng isa.
Bagamat kambal sila, pero hindi ibig sabihin iisa na rin ang kanilang fingerprints.
Ang nanay na nagdadalang tao ng kambal ay mas madalas magkaroon ng morning sickness dahil sa mataas ang level ng hormone human chorionic gonadotropin.
Ang conjoined twins ay naghahati ng neural bridge na literal na nababasa nila ang iniisip ng kanilang kakambal.
Hindi lang sa ultra sound nalalaman na kambal ang ipinagbubuntis ng babae, kundi maging sa stethoscope dahil naririnig ng doctor na may dalawang hearbeats sa loob ng tiyan ng nanay.
Mas naghihiwalay din ang mag-asawa na may anak na kambal, kumpara sa couple na walang multiple birth.
Ang timbang ng karaniwang buntis ay 25 hanggang 35 pounds. Samantalang ang nanay ng kambal ay bumibigat ng 35 hanggang 45 pounds.