Makikita sa larawan ang acupressure point (illustration A) na dapat pindutin-hilutin upang maging maayos ang daloy ng dugo, pakalmahin ang nervous system, at tanggalin ang sakit ng ulo dulot ng sinusitis, stress, PMS or pre-menstrual syndrome.
Paano hahanapin kung nasaan ang acupressure point? Ipatong ang kamay sa mesa nang nakataob. Pagdikitin ang hintuturo at hinlalaki. Kung saan magkakaroon ng pag-umbok ng laman sa pagitan ng dalawang nabanggit na daliri (illustration B), iyon ang acupressure point. Pindutin-hilutin ng 30 seconds gamit ang hintuturo at hinlalaki. Paulit-ulitin hanggang umayos ang pakiramdam.