Ang presyo ay mahalaga sa pagnenegosyo. Hindi lang kung ito ay mataas o mababang price kundi paano mo paandarin ang iyong strategy.
Namana ng mga Pinoy ang technique ng mga Chinese noong araw na magbenta sa mababang presyo para makakuha ng mas maraming buyer na katumbas din ng malaking kita. Ang iba naman ay sadyang mataas ang presyo dahil mataas ding kalidad ang ibinibigay nila sa customers.
Inaakala naman ng ibang buyers na kaya mas mababa ang pricing mo ay dahil mababa rin ang quality na inio-offer mo sa kanila.
Sa tuwing magpapalit ka ng presyo siguraduhing ang bawat sentimong ibinabayad ng customer ay kasing halaga rin ng quality ng serbisyo at produkto na dapat na ibinibigay sa kanila. Mababa man o mataas ang iyong presyo mas hinahanap pa rin ng customers ang saktong timbang at hindi kulang na binili sa iyong tindahan.