Umiibig sa GF ng kuya

Dear Vanezza,

I’m 19 at college student. Ang problema ko ay ang itinatago kong pag-ibig sa girlfriend ng kuya ko. Ikakasal na sila at pilit kong inaalis ang nararamdaman ko. Five years na sila at ngayon lang nagpasyang magpakasal. Noon pa man ay may nararamdaman na ako sa gf ng kapatid ko. Pareho lang kami ng edad at sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya ay tumibok na ang aking puso. Ano ang dapat kong gawin? Kahit anong pilit ko’y nangingibabaw ang aking damdamin. Tulungan mo ako. - Marc

Dear Marc,

Hindi lahat ng nararamdaman ay dapat pakawalan. May mga damdamin na dapat mong labanan, tulad ng nadarama mong pag-ibig sa nobya ng kuya mo. Isipin mo na lang ang inyong pagiging magkapatid na maaaring masira kung pababayaan mong mangibabaw ang nararamdaman mo sa kanyang gf. Pag-aralan mong kalimutan ang feelings mo sa kanya at ibaling sa iba ang iyong pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments