Pagkatapos hiwalayan o namatayan ng asawa

Yes, may paraan pa rin ang Fengshui para maalagaan ang inyong damdamin pagkaraang ikaw ay nakipaghiwalay o namatayan ng asawa. Una, huwag gumamit ng kulay orange sa kahit anong gamit, personal things o gamit sa bahay. Ang orange ay kulay na nag-uugnay sa dalawang tao. Lalo ka lang makakadama ng pangungulila sa taong nawala sa iyong buhay.

Ngayong single ka na, hindi lohikal na gumamit ng orange. So, ano dapat ang gawin? Gumamit ng blue color for at least 90 days pagkatapos ng hiwalayan o kaya mabiyuda/mabiyudo . Kung may orange-upholstered furniture, takpan mo ito ng blue na tela or throw pillow. Tapos gumamit ng sumusunod na color combinations:

Blue with yellow—nagiging optimistic

Blue with red—nagbibigay ng sense of importance

Blue with green—magiging madali ang pagtanggap ng mga pagbabago sa buhay

Light blue—tumataas ang pananalig sa Maykapal

Dark blue—nagiging maingat sa kalusugan kaya ititigil na ang pagmumukmok

Show comments