Nakakalokang mga medical treatment

1 - Sa ancient Egypt, hinihiwa nila ang balat para lumabas ang masamang dugo na sanhi raw ng sakit.

2 - Noong bronze age (3000 BC), binubutas ang bungo para gamutin ang matinding sakit ng ulo.

3 - Noong 1930, nagsagawa ng goat testicle transplantation si John Brinkley. Ang itlog ng lalaking kam­bing ay inilalagay niya sa lalaking impotent. Si Brinkley ay nag-aral ng medicine ngunit hindi naka-graduate. Nagpagawa lang siya ng fake diploma at lisensiya para manggamot. Maraming pasyente ang namatay dahil sa ginawa niyang goat testicle transplantation.

4 - Sa panahon ng ancient Babylonian, hinahalikan ng pasyente ang bungo o itinatabi sa kanyang pagtulog para matanggal ang “pagngangalit ng ngipin” or teeth grinding. Pagagalingin ng espiritu ng bungo ang teeth grinding problem.

5 - Noong Victorian era, para matanggal ang pananakit ng gums ng sanggol na tinutubuan ng ngipin: Hahanap ng taong may nunal sa kamay. Ang kamay na ito ang ipanghahaplos sa pisngi at leeg ng bata.

6 - Taong “suwi” o ipinanganak na nauna ang paa: Nakapagpapagaling sila ng mga taong natinik. Hahaplusin lang ang leeg at parang magic na matatanggal ang tinik sa lalamunan. Hanggang ngayon, may gumagawa at naniniwala pa rin dito.     

Show comments