Ang mga guro ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga estudyante na siyang naghuhubog sa ating mga kabataan.
Pero ayon sa pag-aaral, ang teacher ay ikinukumpara sa “high stress” na trabaho tulad ng air-traffic controllers, bombero, o pilot. Sa survey, pumapangalawa rin ang mga guro sa trabaho ng military na malaki ang iniaambag sa kaayusan ng ating lipunan.
Sa pag-aaral ng University of Pennsylvania, lumabas sa kanilang research na 33% ng guro ang iniiwan ang propesyon sa ikatlong taon ng kanilang pagtuturo at 46% ang umaalis sa ika-limang taon nila sa serbisyo, at tumataas pa ang bilang ng ayaw nang magturo lalo na rito sa ‘Pinas na mababa lang ang suweldo.
Hindi pa kasama sa kontrata ng mga teacher ang trabahong inuuwi nila sa bahay tulad ng paggawa ng kanilang lesson plan, paggi-grade ng mga test, o assignment ng mga estudyante. Bale ba mahigit isang oras ang inaabot nila sa kanilang lesson plan para sa susunod na araw. Madalas inaabot pa sila ng madaling araw sa tambak na pag-check ng mga essays ng mga bata lalo na kung weekends. Akalain mo rin bang 92.4% ng sariling pera ng mga teachers ay napupunta sa kanilang estudyante o classroom.
Taun-taon, 96% ang naidagdag na bilang ng mga estudyante samantalang 25% lang ang increase na bilang ng mga teaching staff. Nadadagdagan naman ng 26% ng mga male teacher na doble naman ang bilang ng mga babaing guro.
Lahat ay saludo pa rin sa ating mga guro dahil kahit gaano kahirap ang trabaho nila sa pagtuturo, plus sabihin pang mababa ang suweldo nanaig pa rin ang pagmamahal ng maraming teacher sa kanilang propesyon.