In demand na workers sa bansang Saudi ang mga Pinoy dahil bukod sa masisipag ay madisiplina ang mga kababa-yan natin, or else sa kulungan ang bagsak nila kapag hindi sumunod sa batas ng Arabia.
Tulad ng hindi sila kumakain, umiinom, at manigarilyo sa pampublikong lugar sa mga oras na bawal tuwing ipinagdiriwang ang Ramadan. Kumain lamang sa loob ng kuwarto na hindi ka nakikita ng kasamahang Muslim. Ito ay bilang pagrespeto sa kanilang tradisyon at paniniwala.
Hindi sila dapat tumingin o makipag-usap sa mga kababaihan. Maliban na lang kung ikaw ay tinatanong.
Hindi rin sila puwedeng madikitan ang babaeng Saudi kaya dumistansya sila kapag ay nasa daanan.
Bawal pumasok sa family section ng isang establisment kung ikaw ay bachelor o single. Exclusive lamang ito sa kababaihan at may mga pamilyang Arabo o expat.
Sa lalaki, bawal silang magsuot ng short pants kung papasok sa opisina ng gobyerno. Wala namang dress code, pero hindi talaga ito pormal.