Napaso sa unang nobyo

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Grace. Mula ng mag-break kami ng aking bf two years ago, hindi ko na pinansin ang mga lalaki. Mahal kong masyado ang aking first and last bf. Four years din kaming mag-on at katunayan nagplano na kaming magpakasal. Pero sa dakong huli ay may nangyari kaya hindi natuloy ang kasal. Napikot daw siya. May nabuntis siyang babae na naghabol sa kanya kaya napilitan siyang pakasalan ang babae. Maraming nanliligaw sa akin pero may trauma pa rin ako sa nangyaring kabiguan sa akin. Dapat ko bang panatilihing sarado ang puso ko?

Dear Grace,

Kung wala ka pang nakikitang magpapatibok muli ng puso mo, okay lang na huwag pumasok sa bagong relasyon. Pero kung may napupusuan ka naman at sinisikil mo lang ang damdamin mo, hindi makatuwiran na panatilhin mong nakapinid ang iyong puso. “It is better to love and lost than never to have loved at all” sabi ng kasabihan. Dapat manatiling umiinog ang iyong mundo at hindi ito dapat huminto dahil lamang sa isang kabiguan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments