Pa’no mag-move on?

Dear Vanezza,

May dati akong bf na nagtatrabaho sa abroad. We planned na magpakasal na sana kaso nagkaroon ng problema. Naipakilala ko na rin siya sa family and friends ko nung pumunta siya rito at lahat ay plantsado na. Kaya lang, nun nakabalik siya abroad, sinabi niyang di pa raw siya ready pakasal at mag-iipon muna siya for us. So inintindi ko siya. Then nagplano sayang bumalik uli rito for vacation. Pero nagtataka ako kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin kung kelan siya darating at saang lugar siya tutuloy. Hanggang sa may nag-text sa akin at sinabi niyang may kasamang girl ang bf ko. Ibinigay ng concerned texter ang address kung saan sila tumutuloy. Medyo kinabahan ako pero nagpasama ako sa friend ko dun sa lugar at nalaman ko na iyon pala ang bagong kinalolokohan ng bf ko. It’s been 3 years na pero sad pa rin ako. Paano ba ako makaka-move on? - Marcy

Dear Marcy,

Kalimutan mo na siya at ‘wag ng masyadong mag-emote dahil tiyak kong matagal ka na n’yang nilimot. Magpasalamat ka na rin at nakita mo ang totoong kulay ng iyong bf bago pa kayo nakasal. Paraan na rin siguro ito ng tadhana para makilala mo ang kanyang tunay na pagkatao. Kaya magsilbing aral sa’yo na kilatisin mo munang mabuti ang bawat manliligaw mo bago magbigay ng full commitment. Mahirap makakuha ng perfect partnert dahil bawat tao ay may kani-kanyang kapintasan. Pero kung gagamitan mo rin ng utak at hindi lang puso, makikita mo yung pinakakaunti ang kapintasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments