Tuta ang Isinilang

Panaginip: Nanganak ako pero tuta ang iniabot sa akin ng nurse. Ang sabi ko sa nurse: “Miss baka nagkamali ka”. In reality, buntis po ako at sa December ako manganganak. – YM

Interpretation: Natuwa ka ba nang malaman mong buntis ka? Hindi mo ba naisip kahit sa isang iglap, na ang pagbubuntis mo ay isang pagkakamali? Kapag buntis kasi ang isang babae, lalo na at hindi siya handa, ay kung ano-anong crazy ideas ang pumapasok sa kanyang kukote kagaya halimbawa ng pagpapa-abort. Ano’t anuman, ang mahalaga ay ang final decision – to keep the baby. God bless you.

* Ipadala sa: tanong_sa_pm23@yahoo.com ang inyong katanungan tungkol sa fengshui, numero at panaginip.

Show comments