Hindi naman puwedeng puro trabaho na lang at nakakalimutan mo nang magpahinga. Hindi ka naman magiging masaya kung wala ka nang time mag-relax dahil magiging stressful ang buong linggo mo.
Ang stress pa naman ay nagiging dahilan ng mabilis na pagdami ng toxic sa loob ng katawan ng tao. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagkaubos ng ilang nutrients o malalakas na cellsna nagbibigay ng masamang epekto sa ating katawan. Tulad ng zinc, ito ay nauubos sa oras na tayo ay pressure ng stress. Nakakalbo o ang pagkalugon ng buhok ng tao aydahil dulot na rin ng stress.
Labanan ang stress sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong pananaw at iwasan ang sobrang pag-iisip o pag-aalala. Mag-relax lalo na ngayong long weekends o kapag holidays. I-schedule ang pagligo n’yo sa swimming pool o beach. Puwede ring maligo sa hot tub, maglakad sa beach kasama ang mahal mo sa buhay o kahit sa park, magbasa ng magandang babasahin, maki-bonding sa iyongmga kaibigan, makipaglaro sa alagang aso, pusa, makinig ng music, maki-jamming, manood ng positibo palabas o comedy film, magpamasahe, magpa-facial, o magpagupit ng buhok sa gusto mong style.
Unahin na mahalin ang sarili na ang simpleng paglalaan ng 30 minuto sa bawat-araw sa mga bagay na gusto mong gawin, ay sapat nang pagpapahalaga sa iyong pangangailangan. Higit sa lahat iwasan ang mga taong mahirap pakisamahan.