Isuksok muna saka hugutin

Ispreyan ng hairspray ang dulo ng sinulid para mabilis itong mailusot sa butas ng karayom.

Kapag may close friend or family ka na bibisita sa iyong bahay sa unang pagkakataon, ipadala ang picture ng iyong bahay sa cell phone, bukod sa address, upang mabilis nila itong mahanap. Kapag nagkita na kayo, ipa-delete ang picture ng inyong bahay. Delikado. Baka manakaw ang cell phone at makarating ang picture sa masasamang tao.

Sa pagluluto, pahiran ng cooking oil ang measuring cup or spoon bago lagyan ng malalagkit na ingredient (honey, molasses, etc) upang matanggal kaagad ito kapag isinalin sa bowl or pan.

Upang lumabas kaagad ang ketchup sa boteng bagong bukas: 1) Isuksok muna ang drinking straw sa loob ng bote; 2) ibaliktad ang bote, 3) biglang hugutin ang straw para lumabas ang laman.

Mabilis matatanggal sa kamay ang rubber gloves kung itatapat muna ito ng ilang seconds sa tumutulong tubig mula sa gripo.

Bukod sa kandila, mainam din na ikuskos ang lead ng pencil sa zipper na makunat buksan.

Punasan ang scratches sa cell phone ng cotton cloth na may white toothpaste.

Paghiwalayin ang nagdikit na crystal na baso sa pamamagitan ng paglagay dito ng maligamgam na tubig. Hintayin ang isa o dalawang minuto at saka paghiwalayin.

Show comments