Ang bansang China ang may pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig. Mayaman din ang Tsina sa reserba ng karbon na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. Kulang man sa yamang mineral ang Japan, pero nangunguna ang bansang ito sa industriyalisasyon. Gayunpaman, nagtatanim sila ng mga punong mulberry upang maging pagkain ng mga silkworm kaya nangunguna ang Japan sa industriya ng telang sutla.