‘Wag i-priority ang BF

Dear Vanezza,

Graduating na po ako sa high school. Next year po ay binabalak kong tumigil muna sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho sa isang panaderya pagkagaling ko sa school. Sa tingin n’yo po ba ay makakapag-aral ako sa kolehiyo? May bf din po ako ngayon. Para kaya kami sa isa’t isa? - Mia

Dear Mia,

Maganda ang ginagawa mong pagsisikap. Dahil sa pagpupursige mo ay ‘di malayong magtagumpay ka sa pangarap mong makatapos ng kolehiyo. Tungkol sa bf mo, huwag ka munang magpakaseryoso dahil bata ka pa at marami ka pang makikilala. Sa ngayon ay mas dapat mong iprayoridad ang iyong kinabukasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments