Ang Tongue twisters ay isang paraan upang ma-practice at ma-improve ang iyong pronunciation at fluency sa iyong pagsasalita. Makatutulong din itong ma-improve ang iyong accents sa pagpapalit-palit at paulit-ulit na pagsasabi ng mga salita na iisa lang ang tunog. Kung akala mo ang tongue twister ay para lang sa mga bata, nagkakamali ka. Ito ay ginagawa rin ng mga actor, politician, public speakers na gustong maging malinaw ang kanilang pagsasalita. Kung gusto mong maging isang confident speaker maraming pagpipilian hindi lang sa mga salitang Ingles. Marami pa rin paghuhugutan ng tongue twister ang Pinoy tulad ng mga sumusnod: Tanso sa tasa, tasa sa tanso, Ang relo ni Leroy ay Rolex, Sinusi ni Susan ang sisidlan ng sisiw.