Crush si Sir

Dear Vanezza,

I’m 16 years old at high school student. May nanliligaw po sa akin, anak ng teacher naming lalaki sa PE. Biyudo ang teacher namin at sa kanya po ako may crush. Kamukha rin niya ang anak niya na nanliligaw sa akin. Kaya lang, I prefer a more mature man. Sa totoo lang po ay ngayon lang ako na-in love sa lalaki. Dati subsob ang ulo ko sa aral at hindi ko iniintindi ang mga nanliligaw. Ni hindi ako nakiki-join sa mga gimikan ng aking mga schoolmates. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi naman ako puwedeng magpakita ng motibo o magparamdam sa kanya. Paano niya ako mapapansin? - Ayza

Dear Ayza,

Physical attraction is normal sa mga kabataang tulad mo. Pero love is more than just physical attraction gaya ng nadarama mo ngayon. Crush lang iyan na mapapawi paglipas ng mga araw. Forget the idea of how you can attract him. Pangit magpakita ng motibo ang babae sa lalaki. You’re only sweet 16 at marami ka pang dapat matutuhan sa buhay. Napakabata mo pa para maging seryoso sa pag-ibig. Mag-aral kang mabuti at magtapos dahil ang edukasyon ang pinakamainam na pundasyon ng iyong kinabukasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments