Island of the Undead 73

SA TINIG na napakagalang, sinabi ni  Doktor Larry ang problema. “Reyna Coreana, with all due respect sa inyong utos na igawa kayo ng bungalow—meron pong balakid.”

“Balakid? Hadlang ba ang ibig mong sabihin, dok?”

Tumango ang plastic surgeon. “Opo...hindi po kami marunong gumawa ng bahay. Iba po kasi ang mga linya namin...”

“Putangtang amamang!” mura ng reyna, merong sariling bukambibig kapag naaasar.

“Bakit kasi kami pa ang pinagagawa mo!” reklamo ni Miley.

“O-oo nga po, reyna... mas praktikal kung kayo mismo ang gagawa ng inyong bahay.-

“Kayang-kaya mo pong madyikin iyon, di ba po?”

Lumukot ang mukha ng reynang carbon-copy na ng  kakaibang kagandahan ni Miley.

“Mali! Not correct! False ang pagkaalam ninyo sa powers ko, mga tangang bihag ko,” nang-iinsultong talak ng reyna.

“Kung  kaya kong gumawa ng lahat ng mga ordinaryong bagay o basic items, e di sana ay nagbukas na lang ako ng sari-sari store sa aming barangay noon!”

Sumalit kina Doctor Larry at Miley ang kakaibang takot; sa pahayag ng reyna ay lalong lumabo ang pag-asa nilang makabalik na sa kani-kanilang buhay sa lunsod.

“Makinig kayo sa ikukuwento ko... hindi ordinaryo ang naging buhay ko, daig pa ang pelikulang madrama...”

Hinagod muna ng tingin ng reyna ang kanyang audience.

Hindi nakaila dito ang labis na anxiety ng mga ito, laluna sina Doctor Larry at Miley.

Nabuwisit na naman ito. Ngani-nganing pagsasampalin at pagtatadyakan ang mga bihag.

Gayunma’y nagtimpi, tumawag ng isang tauhang Undead.

Dito pinawalan ang matitinding tadyak at sampal. (ITUTULOY)

           

 

Show comments