Paano ka ipapahamak ng galit mo?

Ang pakikipag-away o pakikipagtalo ay masamang ugali na hindi lang nakaka-stress sa isang tao, nawawalan ka rin ng ganang maging masaya ang iyong pakiramdam sa buong araw. Apektado ng mood na ito ang iyong trabaho at ang relasyon mo sa ibang tao. May ilang paraan na hindi mo dapat gawin kapag ikaw ay nagagalit:

Huwag matulog ng galit. Hindi dapat matulog na may dala kang galit. Hindi rin dapat lubugan ng araw ang galit mo. Kapag galit ka sa iyong asawa, anak, o ‘di kaya sa ibang tao, makakaapekto ito sa iyong kalusugan dahil dala mo ang puot sa iyong pagtulog. Nagkakaroon ka kasi ng mas matinding negative emotion.

Ayon sa research, kapag natutulog ang isang tao, mas nagiging sharp ang kanyang memory. Kaya kung galit ka bago matulog, maaaring mabagabag ng galit na iyong nararamdaman, hindi  ka rin magkakaroon ng maayos na pagtulog at maaapektuhan nito ang pagtatrabaho ng utak mo kinabukasan.

Huwag magmaneho – Delikado kapag  mag-drive ang isang galit. Sa pag-aaral na isinagawa ng ilang expert, kapag galit an g isang tao, nais nitong umatake kahit kanino at handang makipag-away. Kaya kung galit, huwag munang hahawak ng manibela. Malaki rin ang posibilidad na maaksidente, makasagasa, makadisgrasya ang isang galit na tao dahil kapag sobra ang galit ay nakatingin lang ito sa isang direksiyon, sa kanyang harapan lang, kaya hindi na nito nakikita ang mga  tao o sasakyan sa mga intersection na kanyang daraanan.

Stress eating- Kapag galit ka may tendency na gusto mong lumantak ng mga pagkain. Kapag galit ang tao, napipili niyang kainin ay mga unhealthy foods mga pagkaing mataas ang sugar, fats, at  carbohydrates. Bukod dito, hindi rin gumagana ng maganda ang digestive system ng isang taong galit na pagmumulan ng diarrhea o constipation kung kakain ka habang ikaw ay galit.

Lumalaklak ng alak – Pinagbabalingan din ng taong galit ang pag-inom ng alak. Sa sobrang galit, nasosobrahan din ang pag-inom ng alak na imbes sa tiyan lang napupunta, naapektuhan na ang utak ng tao. Kaya nawawalan na ito ng kontrol sa sarili. Naiiwan lang sa kanyang isipan ang galit na nagpapalakas naman ng kanyang drive na makipag-away sa ibang tao.

Show comments