WALANG tigil sa pagsisi sa sarili si Miley. Hindi mapatawad ang pagkakamali. “I am so stupid, bobang mag-ideya!”
Si Blizzard ay frustrated din pero hindi naninisi. “Miley, sino ba ang mag-aakalang marunong na ring mag-isip ang mga Undead na ‘yan?
“Minalas lang talaga tayo, okey?”
Sabay-sabay na napalingon sa kinaroroonan ni Reyna Coreana ang mga Undead.
Ang mga ito naman ang nagbulungan, parang mga bubuyog. Kasunod ay nagsiahon na sa katihan.
Pero kasama na sina Miley at Blizzard.
By this time ay wala nang apoy sa kati ng Undead Island.
“Ano naman kaya ang binabalak gawin sa’tin ng mga hayupak na ‘yan?” tanong ni Blizzard kay Miley, sa boses na hindi pabulong.
Umiling ang dalaga, halatang labis ding nababagabag.
Kumapit siya sa kamay ng boyfriend. Ito ngayon ang pinaghuhugutan niya ng lakas.
“Basta tayo’y magkasama hanggang wakas, Miley, never kitang iiwan. Just trust me.”
“Kay Reyna Coreana ako walang tiwala, Blizzard. Sagad sa buto ang kanyang kasamaan.”
Napansin agad ng dalawa ang maituturing na kababalaghan. Napalunok ang dalaga.
Kitang-kita niyang buhay na buhay na si Doktora Joanne. Ang dating malamig nang bangkay ay literally nakabalik sa mundo ng mga mortal!
At proud na proud si Doktor Larry, hindi maitago ang pagmamalaki sa sariling achievement.
“Miley, Blizzard, I did it! Matagumpay kong nabuhay ang aking misis! Pati ang kagandahan niya ay aking na-preserve!”
Lalong kinilabutan si Miley. Napi-feel niyang isang nakatagong disaster ang kakambal ng hiwagang iyon!
“Speak to them, my love! Patunayan mong normal ka, gaya noong bago ka namatay!”
“Kumusta na kayo, guys?” (Itutuloy)